Abante Tonite Interactive

Klase ayaw suspindihin: Abby minura ng estudyante

685

Nakatikim ng pang-iinsulto sa kanyang pagkatao si Makati City Ma­yor Abby Binay at minura pa ng isang estudyante dahil sa desisyon ng alkalde na huwag nang suspindihin ang klase sa kanilang lungsod.

Ibinahagi ito ni Binay sa kanyang Facebook account kung saan ipinakita ang mga screengrab ng ilan sa pribadong mensahe na kanyang natanggap mula sa isang estudyante na gustong ipasuspindi sa alkalde ang pasok ng mga mag-aaral sa Makati.

Tinakpan ni Binay ang pangalan at profile picture ng estudyante at tanging pinakita lamang ng alkalde ang mga masasamang sa­lita na kanyang natanggap bukod pa sa pang-iinsulto sa kanyang pagkatao.

Ang ikinababahala ng alkalde ay may ilang tao pa aniya na natuwa sa ginawa ng naturang estudyante.

Bago ito ay iniha­yag ng alkalde sa kanyang Facebook account na hindi na siya magsususpindi ng klase para makabalik na sa eskuwela ang mga guro at kabataan na pansamantalang natigil ang pasok dahil sa pagbuga ng abo ng Bulkang Taal na umabot sa Metro Manila noong Linggo.