Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Klase sa Marikina 1 buwan suspindedo

0 144

Dahil sa laki ng pinsala ng bagyong `Ulysses’ sa Marikina City inanunsyo kahapon ni Mayor Marcy Teodoro na suspindedo muna ng isang buwan ang klase sa lahat ng antas sa nasabing lungsod.

Paliwanag ni Teodoro, ang pagkansela ng klase ng ganoong katagal ay dahil sa hindi pa maayos na internet connection gayundin ang mga nasirang module ng mga estudyante matapos na lumubog sa baha ang kanilang mga bahay.

Epektibo ang suspensyon ng klase simula nitong Lunes.

Sinabi pa ng alkalde na nais niyang mabigyan ng sapat na panahon ang mga school official na mag-reproduce at makapag-distribute muli ng mga module sa kanilang mga mag-aaral.

Mabibigyan rin aniya ng sapat na panahon ang lokal na pamahalaan at mga residente na makapagsagawa ng clean-up operation dahil malaking bahagi pa ng lungsod ang nananating natatabunan ng putik dahil sa malawakang pagbaha.

Samantala, nag-isyu naman ng memorandum ang Department of Education (DepEd) Calabarzon regional office at inutos ang suspensyon ng distance learning sa ilang bayan sa Rizal mula Nobyembre 16 hanggang 20.

Kabilang dito ang Rodriguez, San Mateo, Cainta, Taytay, Baras-Pinugay sa Tanay, at ilan pang eskuwelahan sa Antipolo City.

Inanunsyo naman ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte na suspindedo ang klase sa kanilang lalawigan, pribado at publiko, hanggang sa Nobyembre 21.

Inihayag din ng DepEd na suspindedo rin ang distance learning sa Cagayan

at magkakaroon na lang ng koordinasyon sa pamahalaang lokal kung hanggang kailan mananatili ang suspensyon ng klase. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.