Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Klase sa Pampanga kinansela na rin

0 37

Nag-abiso ang Department of Education Schools Division Office (DepEd SDO) kahapon na magkakansela rin sila ng mga klase sa Pampanga, sa lahat ng antas sa mga pampublikong eskuwelahan sa lalawigan mula Enero 17 hanggang 21, 2022.

Ang nasabing pahayag ng DepEd SDO sa kanilang Twitter account ay inaksyunan anila “to allow for health break and recuperation of our teachers and learners amid the surge of flu and Covid-19.”

“Private schools, in consultation with their respective parents’ associations, may exercise their own direction relative to the suspension of classes and K to 12 learning activities when Covid-19 risks in their respective areas are high,” pahayag pa nito.

Nauna nang nagdeklara ng kanselasyon ng klase ang iba pang local government units kaugnay na rin sa health break sa gitna ng surge sa COVID-19 cases.

Kabilang sa nag-anunsyong LGUs ay ang Parañaque City, San Juan City, Pasay City, Marikina City at Maynila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.