Abante Tonite Interactive

Klase sa QC, Parañaque, atbp suspendido kay ‘Ompong’

0 411

Dahil sa sama ng panahon bunsod ng bagyong Ompong, nagdeklara ang ilang lokal na pamahalaan ng kanselasyon ng klase sa mga eskuwelahan ngayong araw ng Huwebes, Setyembre 13.

Una nang nag-anunsiyo ang Quezon City at Parañaque City na walang pasok sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan.

Wala ring pasok sa ilang bayan sa Luzon tulad ng Abra, sa Apalit, Arayat, Masantol, Macabebe sa Pampanga; Aringay, Balaoan, Bangar, Sudipen, Bauang sa La Union; Marilao, at Obando sa Bualcan; Isabela; Candelaria, Quezon; Sorsogon; Apayao; Cagayan; Camarines Sur; Dagupan City; Ilocos Sur; at Ilocos Norte; Tuguegarao, Zambales at Albay.

Kahapon, nag-umpisa nang ulanin ang ilang bahagi ng Metro Manila ilang oras matapos pumasok sa Philippine area of responsibility ang bagyong Ompong.

Dahil sa lakas ng ulan, nagdulot ng ma­tinding trapik sa mga motorista at commu­ter sanhi ng tubig baha ilang lugar ng Metro Manila partikular sa area ng Quezon City kahapon ng umaga.

Samantala, itinaas ng PAGASA ang Signal no. 1 sa Catanduanes matapos pumasok ang bagyong Ompong Miyerkules ng ng hapon.

Sa 5 p.m. advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo 1,145 kilometro sa silangan ng Virac, Ca­tanduanes taglay ang lakas na hanging 205 kph malapit sa gitna at pagbugsong 225 kph.

Kumikilos ito sa bilis na 20 kph at inaasahang magla-landfall sa Cagayan sa Sabado.