Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Klay dribol sa Pasko

0 117

MATAGAL nang asam ng Golden State Warriors fans na makitang naglalaro ang “Splash Brothers” na sina Stephen Curry at Klay Thompson.

Buong season ng 2020-2021 hindi nakalaro si 31-year-old Thompson dahil sa natamong torn right achilles.

Sa video na inilabas sa Instagram, malaking progreso ang nakita sa pagpapagaling ni 2016 NBA Thee Points king Thompson kaya naman posibleng makabalik ito sa paglalaro sa December 25 schedule nila para sa 2021-2022 NBA season.

“He’s doing well in his recovery, but the Warriors are targeting that Christmas day game against the [Phoenix] Suns for his return,” report ni Ramona Shelburne ng ESPN.

“He could come back a little bit before that, but in terms of getting his conditioning right, they are targeting the Christmas day game against the Suns.”

Ayon kay Shelburne, mahigit isang taon hindi nakalaro si Thompson kaya hindi basta-basta ito makakabalik sa hard court, kailangan kondisyon ang pangangatawan ng three-time NBA champion.

Sakaling hindi makabalik sa target date si Thompson, posibleng hindi ito makakalaro sa unang 32 games ng Warriors ngayong season.

Kaya naman nasa 50 games na lang ang lalaruin ni Thompson sa regular season at posibleng madagdagan kapag nakapasok sa playoffs.

Nagkaroon ng injury si Thompson noong Game 6 ng 2019 NBA Fiinals, hindi na ito nakalaro at bago nagsimula ang season nakaraan ay muli itong nagkaroon ng injury habang nag-eensayo. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.