Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Klea Pineda nagpakalbo

0 166

New-look si Klea Pineda sa kanyang pagpapakalbo bilang paghahanda sa role niya sa “Stories From The Heart: Never Say Goodbye” ng GMA-7.

Ipinasilip ni Klea sa kanyang mga IG post ang bagong anyo.

“Ever since, I was never the ‘favorite’ but I told myself that I’ll just keep proving myself and my worth. I know I can do it, I know I am enough,” saad niya sa caption. “Kung kaya nila, alam ko na kakayanin ko din. Day 1 starts today!”

Sa Oktubre 18 ang premiere ng naturang palabas sa afternoon slot ng GMA.

Makakatambal dito ni Klea si Jak Roberto at makakasama sina Snooky Serna, Herlene “Sexy Hipon” Budol, Luke Conde, Max Eigenmann, Shermaine Santiago, Kim Rodriguez, Phytos Ramirez, Mosang at Art Acuna. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.