Abante Tonite Interactive

Klein wagi ulit

By
3,534

Kung noong nakaraang linggo ay pinatunayan ni Michael Mizrachi na isa siya sa mga pinakamagaling na all-around poker player sa buong mundo, ngayon naman ay pinatunayan ni Loren Klein na isa siya sa pinakamagaling sa Pot-Limit Omaha.

Gumawa ng kasaysayan sa World Series of Poker (WSOP) si Klein matapos magwagi sa $10,000 Pot-Limit Omaha.

Siya pa lang ang pangatlong manlalaro na nakapag-uwi ng prestihiyosong WSOP bracelet sa tatlong sunod na taon. Ang naunang dalawa ay sina Allen Cunningham at Matt Matros.

Dahil sa panalo ay nakapag-uwi rin ng tumataginting na $1,018,336 si Klein. Ang unang bracelet ay nakuha ni Klein sa panalo niya sa no-limit hold’em/Pot-Limit Omaha mixed event habang ang sumunod ay sa stand alone Pot-Limit Omaha tournament.

Tinalo ni Klein sa heads-up play si Rep Porter. Ang mga winning hole card niya ay A-A-3-2 laban sa K-K-J-5 ni Porter. Puro basura ang lumaban na community card kaya umangat ang dalawang alas ni Klein.

Tama po kayo ng basa mga kaibigan – Rep ang pangalan ni Porter. Bad news nga lang at tinalo siya ni Klein. Pero ang magandang balita para sa kanya ay nakapag-uwi pa rin siya ng $629,378.