Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Klosetang aktor grabe ang kalandian

0 173

Ngayon pa lang naglalabasan ang mga kuwentong kinasasangkutan ng isang klosetang aktor. Napakarami pala niyang ginawang kababalaghan kahit nu’ng kasalukuyan pa silang magkasama ng kanyang girlfriend.

Kati-katerya kung tawagin ng mga impormante ang klosetang aktor, hindi makapagpigil sa kanyang kakyondian, kaya kung anu-anong dahilan ng ibinibigay sa kanyang pamilya at karelasyon kapag gusto niyang maglagalag sa malalayong lugar.

Kuwento ng isang source, “Pasalamat siya at nakatagpo siya ng isang karelasyon na mabait, tahimik, walang hilig sa controversy, kaya hindi nagsasalita.

“Pero kung eksenadora lang ang girl na tulad niya, e, siguradong para siyang damit na punit-punit kapag nagsalita ‘yun!” unang sultada ng aming impormante.

Sagana pala sa dahilan ang klosetang aktor, kapag gusto niyang maging malaya na parang paruparo ay kung anu-anong senaryo ang kanyang sinasabi, kunektado sa kanyang trabaho ang mga ibinibigay niyang rason.

Patuloy ng aming source, “Minsan, sasabihin niya, malayo raw ang location ng taping na tinanggap niya. Pinaniniwala niya ang girl na may trabaho siya, on location daw sila sa isang malayong probinsiya.

“Ganu’n din ang drama niya sa family niya, ilang araw siyang mawawala, dahil malayo ang lugar ng taping niya. Kaso, nabubukelya siya ng girl, sa liit ba naman ng showbiz, makalulusot siya?

“Kilala rin ng girl ang mga inine-namedrop niyang pangalan ng director, ng mga kasama niya kuno sa taping, naloloka na lang ang girl sa mga natutuklasan niya!

“Wala naman pala siyang taping, walang kahit ano, gusto lang niyang maging malaya nang ilang araw na siyempre, may kasama siyang mhin!

“At nakakaloka siya, magaling talaga siyang humabi ng script! Kapag sinabi niyang sa Davao ang taping niya, e, may inuuwi siyang durian!

“Kapag Tagaytay naman, e, may mga dala-dala rin siyang pasalubong na pinya at marami pang ibang prutas! Magaling talaga siyang gumawa ng script, kaya lang, e, maraming butas!” sobrang humahalakhak na pagtatapos ng aming impormante.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Korina ‘di kamahalan ang hotel

Sa pinakahuling bahagi ng chikahan nina Luchi Cruz Valdes at Korina Sanchez sa programang Usapang Real Life ay sinabi ni LCV, “O, malapit ka na rin, ha?”

Sambot agad namin ang ibig sabihin ng sinabi ng hepe ng News 5, malapit na ring lumundag sa TV5 si Korina, tulad ng matapang na broadcaster na si Ted Failon.

Interesado ang kuwentuhan ng dalawang mahusay na news anchor-TV host sa kabuuan ng URL. Kung saan-saan umikot ang kanilang chikahan, sinakop ni Ate Kroing ang buong oras ng URL ni LCV, tapos na pala ang programa ay naghahanap ka pa ng karugtong.

Totoong-totoo ang kuwento ni Korina na mahilig siyang mag-ayos ng bahay. Napakagaling niyang magbalot ng mga regalo. Nangungutang siya ng mga pang-adrono sa kanyang bahay na binabayaran niya naman sa tamang oras.

Kapag namimili siya ng mga gagamitin kapag malapit na ang Pasko ay mag-isa siyang bumibiyahe papuntang Vietnam. Hindi kamahalang hotel ang pansamantala niyang tinitirhan, ang kailangan ay malapit ‘yun sa mga pamilihan, dahil kapag hindi na niya kayang bitbitin ang kanyang mga pinamili ay babalik siya sa hotel para iwanan du’n ang kanyang mga bagahe.

Balik na naman siya sa kung saan-saan, magaling siyang tumawad, kilalang-kilala siya ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa Vietnam.

Puwedeng mawalan ng stock na pang-make-up si Ate Koring pero siguradong hindi siya mauubusan ng iba’t ibang kulay ng ribbon na pang-adorno niya sa mga regalong ipinadadala niya sa mga kaibigan at kung may labanan sa paggawa ng pinakamagandnag Christmas tree ay siguradong siya ang kampeon.

Matapang at mahigpit si Korina sa linya ng kanyang trabaho, talagang nakakatikim ang kanyang staff ng mga salitang madiin, pero kapag patay na ang mga ilaw at camera ay magaling siyang bumawi sa kanyang mga tauhan.

Hindi ipagpapalit ng kanyang staff ang kanilang Madam kahit kanino pang TV host d’yan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.