Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Klosetang aktor stalker ng guwapong celebrity

0 149

Ayon sa impormanteng nawiwindang ngayon ay matagal na panahon na palang stalker ng isang guwapong male personality ang isang dating klosetang aktor.

Matagal na palang usap-usapan sa showbiz ang matinding pagnanasa ng klosetang aktor sa guwapo at sikat na male personality.

Kuwento ng isa sa mga impormante, “Naku, matagal na talaga niyang type ang guwapong male personality na ‘yun, kaya gumagawa talaga siya ng paraan na maging close sila!

“Stalker na siya nu’n pa man, inaalam niya kung saan ang location ng shooting nu’ng male personality! Matagal na niyang ilusyon ang lalaking ‘yun na matagal na matagal na panahong gumulo sa sikreto niyang kabadingan!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Pagkatapos nang halos dalawang dekada ay umalpas na ang ilusyon ng beking kloseta. Pinaniwala niya na ang kanyang sarili sa mga kuwento niyang ewan.

Isa ring source ang nagkomento, “Meron palang ganu’n? ‘Yung dekada na ang ilusyon niya, tapos, bigla na lang niyang pasasabugin? At ang nakakaloka, may monologue talaga siya na para bang totoong-totoo ang mga ikinukuwento niya!

“Nakakaawa naman siya, napakatagal na niyang tinitimpi sa puso niya ang ilusyon na ‘yun! Nagdusa siya nang halos two decades!” napapailing namang komento ng ikalawang source.

Matagal siyang nagkanlong ng kanyang tunay na gender, marami siyang inaalala, ang mismong family niya. Puro brusko pa naman ang mga kapatid niya. Kaya paano nga naman siya maglalantad ng gender niya dito?

“So, nagpunta siya sa ibang bansa, du’n siya nag-out! Nawindang na lang ang mga kapatid niya, ang mommy niya, dahil ibang-iba na siya!

“Mahirap nga naman magkubli sa dilim, ‘yung may karelasyon siyang babae, pero pareho naman pala ang kanilang hanap, lalaki rin!” tawa pa rin nang tawang pagtatapos ng ikalawa naming impormante.

-o0o-

Darren hirap sa mataas na nota

Buong-ningning na isinigaw ni Darren Espanto, “Straight ako!” Napapanahon ang matapang na komento ng magaling na singer na straight siya, ‘yun kasi ang gustong isubo ng isang beking namamalimos ng awa mula sa isang male personality, pero hindi naman ito pinapansin.

Matagal na nga namang pinagdududahan ang kanyang gender, nu’ng nasa The Voice Teens pa lang siya ay may alimuom na tungkol du’n, dahil lang sa ang mga piyesang kinakanta niya ay pambabae.

Mataas pa kasi ang boses nu’n ni Darren dahil binatilyo pa lang ang kanyang edad, naaabot niya ang pinakamatataas na nota, pero ngayong binata na siya ay mahihirapan na siyang bumirit.

Sa mga huling episodes ng ASAP Natin ‘To ay napanood namin si Darren, nasa Calgary, Canada siya nu’n, via Zoom ang kanyang performance.

Ibang-iba na ang kanyang boses, bumaba na ang kanyang pitch, napakasuwabe niyang kumanta na sinasabayan pa niya ng pagsayaw na mahirap gawin.

Ang isyu tungkol sa kanyang gender ang sumira sa pagkakaibigan nila ni JK Labajo na kapareho niyang produkto ng TVT, humantong pa nga ‘yun sa husgado, tahimik ang magkabilang panig tungkol sa issue.

Sabi ng kaibigan naming professor, “Nakakaawa ang mga personalities na hinuhusgahan nang dahil lang sa mga songs na pinipili nilang kantahin.

“Porke ba pambabae ang kanta, e, bading na ang singer? Porke ba bumibirit, e, bakla na? Huwag naman sanang ganu’n. Secure na secure si Darren sa masculinity niya.

“Kaya niyang ipagsigawan na straight siya dahil kilalang-kilala niya ang sarili niya. Nice one!” sabi pa ni prop.

Leave A Reply

Your email address will not be published.