Abante Tonite Interactive

Knicks, Nets namigay ng 1M facemask sa mga frontliner

329

Nag-donate ang Brooklyn Nets at New York Knicks, sa pakikipagtulungan ng NBA at China Consul General Huang Ping, ng 1M surgical masks para sa frontliners na sumasagupa sa coronavirus sa New York.

Ayon sa CNN, ang New York state ang may pinakamaraming nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa US, umaabot na sa 113,806.

“The @NBA is contributing 1 million desperately needed surgical masks for New York’s essential workers in collaboration with @nyknicks, @BrooklynNets and China’s Consul General Huang Ping,” tweet ni New York governor Andrew Cuomo. “New York thanks you. We are beyond grateful for this gift of critically needed PPE.”

Tulad ng maraming bansang sinalanta ng coronavirus disease, may shortage na rin ng N95 masks sa New York at sa buong US.

Kanya-kanyang diskarte na nga ang healthcare workers doon – nilalabhan ang mga disposable masks at gumagamit ng trash bags pantakip sa bibig – para mapunan ang kakulangan ng supply. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad