Abante Tonite Interactive

Knights tinakasan ng Eagles

143

Binaon ni Tyler Tio ang pang-ungos na triple at tinakasan ng Ateneo ang Letran 78-76 kahapon sa FilOil Flying V Preseason Premier Cup sa The Arena sa San Juan.

Nirehistro ni Tio ang 17 points para ­tulungan ang Blue Eagles na ­dagitin ang pangalawang sunod na panalo tungo sa 2-2 karta.

Bumakas si Thirdy Ravena ng 15 points at six rebounds para sa Ateneo, may nine si Anton asistio.

Nahablot ng Ateneo ang manibela 77-76 matapos isalpak ni former Xavier cager Tio ang triple 17.3 seconds na lang sa laro.

Sinalpak ni Asistio ang isa sa dalawang free throws para sa two-point lead ng Katipunan-based squad, may tsansa sanang magkaroon ng overtime pero mintis ang lay-up ni Knights forward Bong Quinto.

Kumana si Rey Nambatac ng 25 points para sa Letran, may tig-nine sina Quinto at Jerrick Balanza.