Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Knott, 2 pa atras sa SEAG

0 55

Tuluyang isinuko ni Kristina Marie Knott at ng magkapatid na Guermali na sina Yacine at Said ang national slot para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo 12-23 dahil sa magkaibang kadahilanan.

Siniwalat ni Fil-Am sprinter Knott sa virtual press briefing Lunes na nagka-foot injury siya at aabutin ng dalawang linggo bago gumaling ang torn plantar fasciitis na nangangailangan ng pahinga.

SM food to go Banner Ad

2019 PH SEA Games double gold medalist si Knott, kasama sa tagumpay sa record-run 200-meter event.

Problema sa schedule ng pag-aaral sa Gonzaga University ang dinahilan ni Yacine sa pag-urong sa 1,500 at 5,000m runs, habang si Said na kakaripas dapat sa 800m run ay may plantar fasciitis din. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.