Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Knott nag-bronze sa LSU trackfest

0 132

Komopo si 2020 Tokyo Olympics hopeful Kristina Marie Knott ng bronze medal sa 2021 Louisiana State University Alumni Gold meet sa Bernie Moore Stadium sa United States Sabado (Linggo, Manila time).

Pumangatlo ang 25-year-old Fil-Am sprinter na pambato ng Philippine Athletics Track and field Assocition (PATAFA) nang makapagtala ng 23.17 segundo sa women’s 200-meter dash sa paglapit sa Olympic standrard qualifying na 22.80.

Uno-dos sina American Tamari Davis at Canadian Crystal Emanuel sa mga clocking na 22.82 at 23.03, ayon sa pagkakasunod.

Pumanlima lang ang 2019 Philippine Southeast Asian Games gold medalist na si Knott sa 100m sa 11.28, pero lumapit-lapit din sa Olympic standrard na 11.15. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.