Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kobe, Albirex BB nadale sa buzzer

0 108

MASAKLAP ang naging pagkatalo ni Kobe Paras at koponan niyang Niigata Albirex BB matapos madale ng buzzer beater kontra Seahorses Mikawa, 77-75, nitong Sabado sa Japan B.League Division 1.

Kahit pangharabas ang pinakitang laro ni ex-Gilas cager Kobe ay hindi ito naging sapat dahil sa buzzer ni Davante Gardner.

Nabitin ang 6 points, 5 rebounds, 2 assists at 2 blocks ng anak ni ex-PBA star Benjie Paras na si Kobe.

Dahil sa pagkaka-olats ng Albirex BB ay lagapak na sila sa 5-game skid na may 2-5 kartada.

Samantala, ang tumalo naman sa kanilang Mikawa ay solido sa top 3 na may 5-2 win-loss card.

Aaksiyon muli si former UP Fighting Maroon star Kobe sa darating na Miyerkoles kontra Alvark Tokyo. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.