Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kobe, Albirex BB taob sa Hokkaido

0 150

Panibagong latay ang humagupit kay Kobe Paras dahil sa ikalawang sunod na niyang pagkatalo sa Japan B.League matapos yumuko ang koponan niyang Niigata Albirex BB kontra Levanga Hokkaido, 88-75, Sabado sa Hokkai Kitayell.

Hindi naging sapat ang pasiklab ni Kobe na Albirex na 13 points, 3 rebounds, 1 steal at 1 assist upang isalba pa sana ang koponan sa mapait na pagkakatalo nitong nakaraang Linggo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ito naman ang unang pagkakataon na nakatikim ng panalo ang Hokkaido sa loob ng limang laro.

Susubukang bumawi ng Niigata (2-3), ala-1:05 Linggo ng hapon, at Levanga (1-4) uli ang kanilang makakatuos sa parehong venue. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.