Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anak ni O’Neal kinunan playing #8 ni Kobe lumitaw sa langit

0 252

Maaliwalas ang panahon noong isang araw, ‘yung tipong maliwanag na may paisa-isang kumpol ng puting ulap na nakalutang sa asul ng kalangitan.

Nasa labas si Shareef O’Neal, ang 20-anyos na anak ni dating NBA star Shaquille.

May napansin si Shareef sa ulap na ikinamangha niya, hindi niya pinalagpas na kunan ng larawan at i-share sa social media.

“I thought I should share what I saw in the sky today, #8.. it might be a stretch to some but I see it clear as ever #8,” caption ng batang O’Neal.

Related Posts

Sa photo, kita ang cloud formation na bumuo nga sa 8 – ang jersey number ni NBA legend Kobe Bryant sa unang dekada niya sa Lakers. Sa huling 10 seasons, ginamit ni Kobe ang 24.

Magkakampi sina Shaq at Kobe nang akayin ang Lakers sa three-peat noong 2000-2002.

Noong Jan. 26, namatay si Kobe kasama ang anak na si Gianna, 13, at pitong iba pa sa helicopter crash sa California.

Mabilis kumalat ang post ni Shareef.

May nakapansin pa sa ibaba ng larawan na pumuporma naman sa bandang ibaba ang #2 – number ni Gianna sa kanyang school jersey. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.