Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kobe iluluklok na sa Hall of Fame

0 264

Pangungunahan nina Kobe Bryant (posthumous), Tim Duncan at Kevin Garnett ang Naismith Basketball Hall of Fame class na iluluklok ngayong araw.

Emosyonal para sa mga nagmamahal kay Kobe ang induction 15 months, 26 days matapos mamatay sa helicopter crash kasama ang anak na si Gianna, 13, at pitong iba pa.

Si Michael Jordan ang presenter ni Kobe, si Vanessa Bryant ang magbibigay ng speech para sa asawa.

“Not having Kob is going to affect everybody,” ani Garnett kay Shams Charania ng The Athletic. “Kobe not being there is going to be super emotional for everybody.”

Sina Bryant, Duncan at Garnett ang tatlong pinaka-dominanteng players pagkatapos ng Jordan era.

Mula 1999-2010, pinaghatian ng tatlo ang 10 sa 12 NBA titles. Nasingitan lang sila noong 2003-04 (Pistons) at 2005-06 (Heat).

Kabilang sina Kobe, Duncan at Garnett sa aanim na players sa kasaysayan ng NBA na 15-time All-Star. Sina Kareem Abdul-Jabbar, Shaquille O’Neal at LeBron James ang tatlo pa. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.