Abante Tonite Interactive

Kobe nag-charity work bago mamatay

414

Hanggang sa huling mga oras ng kanyang buhay, tumutulong pa rin sa kapwa si Kobe Bryant.

Sa memorial service kay Kobe, 41, at anak na si Gianna Marie, 13, noong Lunes sa Staples Center sa Los Angeles, California, ibinahagi ni Lakers general manager Rob Pelinka ang huling palitan nila ng text ni Kobe.

“I was in Sunday church with my fami­ly. My phone was deep in the pocket of my jeans when I felt that familiar text buzz,” ani Pelinka. “For a second I ignored the notification, because I was in church. But for some reason with this text, I felt a sudden urge to check my phone.”

Close friend sina Kobe at Pelinka.

Araw ng Linggo, Jan. 26, nang mag-crash ang sinakyang helicopter ng mag-amang Bryant. Pitong iba pa ang namatay, kabilang ang piloto.

Nang ilabas ang phone, nakita ni Pelinka na si Kobe ang nag-text. Walang kakaiba, dahil sa nakalipas na dalawang dekada at araw-araw silang nagte-text. Balak na raw niyang ibalik sa bulsa ang phone para ituloy ang pakikinig ng sermon, pero binasa rin ang message.

“I quickly saw that Kobe was asking me if I happened to know a certain baseball agent based in Southern California,” pagpapatuloy ni Pelinka.

Mukhang hindi naman nagmamadali ang text, naisip ni Pelinka na ipagpaliban ang sagot. Pero muli ay kinuha ang phone at sumagot. Sinabi niya raw kay Kobe na nakita niya ang baseball agent ilang gabi lang ang nakakaraan sa Lakers game.

“It was now just past 9:30 am. Kobe texted back explaining his desire to help a friend of his secure a baseball agency internship for one of his young daughters,” lahad ni Pelinka. “Kobe vouched for the girl’s character, intellect and work ethic. He clearly wanted to champion a bright future for her.”

Sumagot siya, sinabing gagawan ng paraan.
Ilang minuto pagkaraan, nag-crash ang helicopter.

“Kobe had been texting me from the helicopter. The girl in that text chain that he was wanting to help so badly was Lexi Altobelli, the surviving daughter of coach John Altobelli who was also on the helicopter,” bunyag ni Pelinka. “Kobe’s last human act was heroic. He wanted to use his platform to bless and shape a young girl’s future.” (Vladi Eduarte)