Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kobe, Niigata yuko: Parks, Nagoya tinaob Toyota

0 148

Muli na namang kuminang sa Japan B. League si former TNT Tropang Giga star Bobby Ray Parks Jr. matapos tulungang sumungkit ng panalo ang Nagoya Diamond Dolphins laban sa Toyota Alvark 86-80 Miyerkoles sa 2021-2022 Japan B.League eliminations.

Kumana si Parks ng 10 points kasama ang 4 rebounds at tig-1 assist at steal sa loob ng 26-minutong paglalaro.

Kasama niya sa ratsada si Shayne Whittington at local player Takumi Saito na nagpasabog ng pinagsamang 35 markers para buhatin ang Diamond Dolphins sa 21-8 win-loss record.

Hinid naman naging sapat ang double-double 17 points at 13 rebounds ni Sebastian Saiz ng Alvark na ngayon ay may 21-8 record din.

Sa kabilang dako, sadsad sa ika-26 sunod na kabiguan ang team ni Kobe Paras na Niigata Albirex makaraang tumiklop kontra Levanga Hokkaido, 107-85, sa Hokkai Kitayeru.

Nabalewala ang double-double performance ni Rosco Allen na nagtala ng 16 points at 14 rebounds pati na ang tig-16 markers nina Paras at Tshilidzi Nepawe.

Lubog sa 2-27 slate ang Albirex BB sa habang angat sa 12-17 card ang Levanga.

Samantala, sunod na makakabangga ng Nagoya ang Utsonomiya Brex habang makakasagupa ng Niigata ang Ibaraki Robots sa darating na weekend. (Aivan Episcope & Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.