Abante Tonite Interactive

Kobe Paras no.1 fan si Jackie

By
2,682

Nabigo man ang Gilas cadets ni Kobe Paras nang makaharap ang UP Fighting Maroons 72-78 Martes ng gabi sa FilOil Flying V Preseason Cup, wala namang mapagsidlan ng tuwa ang kanyang inang si Jackie Forster nang mapanood ang anak nang live sa unang pagkakataon.

Limitado man ang nilaro ng batang Paras na pomondo lang ng 15 minuto, hindi nito sina­yang ang maikling sandali nang kanyang ituro ang ina pagkatapos makakonekta ng tres na ikinagalak ni Forster.

“Nagulat nga ako. Sumisigaw ako tapos when I saw him poin­ting at me, sabi ng katabi ko, Naku, tinuturo ka pa ni Kobe. Siyempre nakakakilig as a mom. It feels nice,” ayon sa ina ni Paras.

Ngayong maayos na muli ang relasyon ng mag-ina, asahang hindi ito ang huling tsansa na makikita si Jackie sa mga laro ng binata.

“For as long as there are people watching my kids or my kids can come, we will be there,” ani Forster.

Kumpleto na sana ang gabi para sa mag-ina nang makaabante ang Gilas sa panimula ng pang-apat na canto, 58-53, ngunit biglang nanggulat ang palabang Maroons nang magsimulang kumamada si Juan Gomez de Liano tungo sa 22 puntos, 8 assists at 4 rebounds na performance.

Tumapos lang si Paras ng 8 puntos sa laro. (Ray Mark Patriarca)