Abante Tonite Interactive

Kobe pumutok ng 37 pts, UP winalis ang BLIA Cup

441

Dapat paghandaan ng ibang mga UAAP team ang University of the Philippines Fighting Maroons.

Limang laro, limang panalo din ang kinubra ng Peyups sa Buddha’s Light International Association Cup tapos huling gibain ang Chien Hsin University of Science and Technology, 97-93, Linggo nang hapon sa Taiwan.

Si Kobe Paras ang naging barometer ng opensa, tumarak ng 37 points, 15 sa fourth quarter.

Iniskor din ni Paras ang limang puntos sa last two minutes para isalba ang walang bahid na record ng State U, pinadapa rin ang National Taiwan Sports University (76-61), ang Huaquiao University (87-72), at National Kaohsiung Normal University (97-67) sa group stages at ang Vanguard University, 84-77,sa semifinals.

Sa dulo, nagtarak ng 8-0 run ang mga Taiwanese para ibaba ang lamang sa tatlo, 37.8 segundo ang nalabi sa game clock.

Pero sapat ang free throws nina Paras at Jaybie Mantilla para mapanatili ang kalamangan at mauwi ang kampeonato ng torneo.

Ito ang ikalawang BLIA trophy ng Pilipinas, una ay nang makadale ang La Salle na nitong 2017. (Ray Mark Patriarca)