Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kobe walastik sa Albirex BB

0 58

Nagmistulang Battle of Katipunan ang 2021 Japan B.League nitong Sabado nang magtapat ang pambato ng UP Fighting Maroons na si Kobe Paras at manok ng Ateneo Blue Eagles na si Thiry Ravena.

Bagaman kampeon si Thirdy sa UAAP, nakaganti naman si Paras at ang Niigata Albirex BB dahil tinalo nila si Ravena at ang San-En NeoPhoenix 77-64, Sabado ng gabi.

Nagpakitang gilas ang anak ni former PBA legend Benjie Paras na si Kobe ng 21 points, 5 rebounds, 3 assists, 2 steals at 2 blocks.

Samantala, nabitin naman ang 16 markers, 4 dimes, 2 boards at 2 steals ni Pinoy B.League sophomore Thirdy.

Bitbit ni Kobe at ng koponang Niigata Albirex BB ang 2-1 kartada habang ang NeoPhoenix ay may 1-2 baraha. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.