Abante Tonite Interactive

Koko atat na sa impeachment ni Sereno

1,881

Atat na umano ang lider ng Senado na maisa­lang sa impeachment trial si Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ay kung pagbabatayan, ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez ang mga ikinikilos ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III.

“Well nung birthday ni (Oriental Mindoro) Congressman (Reynaldo) Umali the other day, magkatabi kami (ni Se­nate President Pimentel) mukhang atat na atat na siya na ipasa namin sa kanila (‘yung Articles of Impeachment),” sabi ni Alvarez sa isang press conference.

Inaasahan na sa susunod na pagdinig ng House Committee on Justice sa Marso 8 ay huhusgahan at pagbobotohan na ang impeachment complaint laban kay Sereno.

Kasunod niton ay isusumite na ang Articles of Impeachment sa Senado.

“Sabi ko, ‘Relax lang, huwag tayo magmadali, magbakasyon muna kayo,” sabi ni Alvarez.

“Excited na sila eh. Nagpatahi na yata sila ng gown (ng mga senador bilang judge sa impeachment trial),” dagdag nito.

Ang tinutukoy na bakasyon ni Alvarez ay ang halos dalawang buwang bakasyon o adjournment ng session ng Kongreso mula Marso 24 hanggang Mayo 13, ngayong taon.

Tiniyak ni Alvarez na malakas ang ibabalandrang kaso laban kay Sereno.