Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Koko atras, `di masipa Digong

0 108

Tiklop ang paksyon ni Senador Aquilino `Koko’ Pimentel III na sibakin si Pangulong Rodrigo Duterte sa PDP-Laban.

Ayon kay Pimentel, sa kabila ng hidwaan sa pagitan nina Pangulong Duterte at Senador Manny Pacquiao ay wala umano silang plano na tanggalin ito sa partido.

“Ang sabi ko sa partymates ko, we should not weaponize expulsion. `Yong ine-expel sa partido `yong may ginawa na sobra-sobra laban sa interes ng partido. Hinay-hinay lang sa expulsion,” sabi ni Pimentel sa isang panayam.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nauna nang tinanggap ni Pangulong Duterte ang nominasyon sa kanya bilang kandidato sa pagka-bise presidente ng paksyon ng PDP-Laban sa ilalim ng grupo ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi.

Nominado rin ng paksyon ni Cusi si Senador Bong Go para maging kandidato sa pagka-pangulo subalit tinanggihan ito ng mambabatas.

Samantala, pinatalsik naman ng grupo ni Pimentel si Cusi at iba pang miyembro ng partido. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.