Abante Tonite Interactive

Koko bumigay, politikong alanganin kasama sa line-up

9,571

Niluwagan ni Sena­te President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang kanilang patakaran para sa pagpili ng mga kandidatong mapapabilang sa kanilang talaan.

Ito ay makaraang sabihin ni Pimentel na puwede nilang ikonsidera sa kanilang line up ang mga kandidato na wala pang pinal na desisyon kung susuportahan ang Federalism subalit bukas silang pag-aralan ito.

“Yes ‘open to fede­ralism’ should be acceptable,” deklara ni Pimentel.

Una rito, sinabi ni Senador JV Ejercito na dapat ikonsidera rin ng PDP-Laban sa kanilang talaan ang mga kandidato na pinag-aaralan pa ang mga probisyon ng Federalism.
Nilinaw naman ni Pimentel na hindi pa pinal ang lahat ng usapan sa ngayon lalo na ang inilabas na senatorial line up ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

“Nothing is final and slate announced by Speaker is not even completely filled up,” diin pa ni Pimentel.

Bago nito, isiniwalat ni Alvarez na makakasama sa senatorial slate ng partido si Special Assistant to the President Bong Go, Pimentel, Oriental Mindoro Rep. Reynalo Umali, Presidential Adviser Francis Tolentino, Presidential Spokesman Harry Roque, Bataan Rep. Geraldine Roman, Davao City Rep. Karlo Nograles at Maguindanao Rep. Zahid Mangudadatu.
Nakalimutan naman banggitin ni Alvarez ang pangalan ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas.