Abante Tonite Interactive

Koko dismayado sa Automated Poll System Certification

0 158

Hindi nailihim ang pagkadismaya ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa Technical Evaluation Committee (TEC), ang ahensiyang nilikha sa bisa ng Automated Election Law, dahil hindi pa rin nito napagtitibay ang automated election system (AES) na gagamitin sa nalalapit na national at local poll samantalang halos isang buwan o 30 araw na lang ang nalalabi bago sumapit ang May 13 elections.

Ipinaliwanag ni Pimentel na sa ilalim ng Republic Act No. 8436 at sinusugan na R.A. No. 9369, tungkulin ng TEC na pagtibayin ng tatlong buwan o 90 araw bago mag-eleksyon na gumagana nang maayos, tiyak at tama ang AES.

Binubuo ang ahensiya ng mga kinatawan mula Commission on Elections (Comelec), Department of Information and Communications Technology (DICT) at ng Department of Science and Technology (DOST).

Abante Hiring – IT dep

“The TEC failed again to meet the deadline to submit its certification three months before the May 13 polls, which should have been last February 13, 2019,” sabi ni Pimentel, chair ng Senate panel ng Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System (JCOC-AES).

Idinagdag pa ng abogado at mambabatas na magsisimula ang overseas absentee voting ngayong Abril 13 subalit hindi pa naibibigay ng TEC ang kanilang stamp of approval sa mga makinang ipinadala sa ibang bansa.