Abante Tonite Interactive

Koko kay Duterte: Magtalaga na ng DSWD secretary

By
2,852

Hinimok ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III si Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga na ng bagong kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa gitna ng sunod-sunod na bagyong nananalasa sa bansa.

Iginiit ni Pimen­tel na ang ahensiyang nakatutok sa mga programa para sa pag-­angat sa kahirapan na may pondong P89 billion ngayong taon ay nangangailangan ng matatag at magaling na liderato.

Sinabi ni Pimentel na nangangailangan ng agarang pagpapasya sa bawat panahon ng kalamidad upang matiyak na maibibigay ang nara­rapat na tulong sa mga nabibiktima.

Ipinunto pa ng senador na dahil sa limi­tadong kapangyarihan ni acting DSWD Secretary Virginia Nazarrea ­Orogo, naisasakripisyo ang pagpapatupad ng conditional cash grants para sa mahihirap.

Matatandaang itina­laga si Orogo, dating Undersecretary for Special Concerns ng DSWD, bilang acting head noong Mayo 8 kapalit ni Undersecretary for General Administrative and Support Services Group Emmanuel Leyco.

Pinalitan naman noon ni Leyco si dating Secretary Judy Taguiwalo na ni-reject ng Commission on Appointments.

Ipinaalala ng mam­babatas ang kahalagahan ng DSWD sa panahon ng mga bagyo lalo na sa relief at rehabilitation operations.

Dapat din aniyang hindi maapektuhan ng mga usaping politikal ang DSWD upang maipatupad ang 29 na programa, aktibidad at proyekto.

“DSWD also has role in distribution of aid to the poor under TRAIN Law hence, important that Secretary be appointed as soon as possible!” dagdag nito