Abante Tonite Interactive

Koko sagabal sa no-el kaya tinanggal

1,550

Lumilinaw na umano ang rason kaya pinalitan ni Sen. Tito Sotto si Sen. Koko Pimentel bilang Senate President.

Naniniwala si Ifugao Rep. Teddy Baguilat, lider ng independent bloc na Magnificent 7 na ang panguna­hing rason kaya pinalitan si Sen. Pi­mentel ay upang maitulak ang no election (no-el) scenario sa 2019.

Binanggit ni Baguilat na si Sen. Pimentel ay sumusuporta sa charter change, constituent assembly at fede­ralism pero kontrabida ito sa no-el scenario, kaya hindi sila magtugma ni House Speaker Pantaleon Alvarez

“…kaya he had to be toppled because his position on the Cha-cha process and his leadership on the Senate will curtail No-El in Senate,” pa­ngangatwiran ni Baguilat.