Abante Tonite Interactive

Koko: Tigilan ang sobrang pulitika

119

Nanawagan si Senate­ President Aquilino ‘Koko’­ Pimentel sa mga kapwa senador na tigilan ang labis na pamumulitika sa gitna ng sangkaterbang trabaho sa Senado.

Reaksyon ito ni ­Pimentel sa banta ni ­Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV na isusulong na mapalitan si Pimentel bilang Senate President kung hindi aalisin si Senador Richard Gordon bilang chairman Blue Ribbon Committee.

Hamon ni Pimentel kay Trillanes na gawin na ang sinasabi nito at huwag puro banta.

Abante Hiring – IT dep

“Gawin na n’ya ‘yan, ba’t ayaw n’ya gawin, kung mako-convince n’ya ‘yung 12 pa siya na mag-organize ng Senate, ‘yung minority susunod sa will ng majority,” ani Pimentel sa panayam ng DWIZ.

Gayunman, matapos­ aniya ang pagpapalit ng liderato ay tiyaking ‘back to work’ na ang Senado dahil maraming­ dapat pagtuunan ng ­pansin ang mga mamba­batas kabilang na ang proposed 2018 national ­budget at ang tax reform program.

“Dapat ngayon lahat ng energy tutok na sa tax reform, budget kesa lagi ka nang-iintriga na papalitan kita.

“Okay nga na palitan­ kami e ‘wag na sabihin sa publiko, gawin na lang tapos back to work,” ­pahayag ni Pimentel.