Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kokoy enjoy sa putukan

0 166

ROMMEL PLACENTE: Nang mag-guest si Kokoy de Santos sa show natin na Showbiz Cafe sa FYE channel sa Kumu ka-Cuatros na Roldan at Mildred, tinanong ko siya kung sa totoong buhay ba ay pwede siyang makipagrelasyon sa isang bading. Sa BL series na Gameboys ay karelasyon niya rito si Elijah Canlas. Ang sagot niya ay hindi niya isinasara ang pinto. Hindi na siya nag-elaborate pa. So, base sa naging sagot ni Kokoy, puwede siyang pumatol sa isang bading, di ba? At least, nagpakatotoo lang siya, na hindi siya naging plastik na sabihin na hindi siya papatol sa member ng third sex.

Hudyat na kaya ito para may bading na manligaw sa kanya dahil open naman siya?

Anyway, tinanong din namin siya kung may mga bading na nagpaparamdam sa kanya since guwapo siya. Ang sagot niya ay, wala. Ang mga natatanggap niya lang daw na pagpaparamdam ay sinasabihan siya na magaling siya sa mga role na ginagawa niya.

MILDRED A. BACUD: Gusto naming magsalita si Kokoy . Very honest and spontaneous. Puwede rin siya sa hosting. Nakikitaan namin siya ng versatility maging sa comedy kaya hindi kami magtataka kung bakit kasama siya sa bagong Pepito Manaloto ng GMA -7.

Kung mabibigyan rin daw ng pagkakataon ay gusto niyang gumawa ng aksyon tulad ni Coco Martin.

“ Gusto ko po tolaga ‘yung may putukan at aksyon tulad nga po ni Coco na idol ko rin as an actor. “

So, enjoy pala si Kokoy sa mga eksenang walang tigil ang putukan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, excited na si Kokoy sa Gameboys: The Movie. Natutuwa siya na hanggang ngayon ay malakas pa rin ito. ” Akala ko nga po wala nang pwedeng ihaba. Nu’ng mabasa ko ‘yung script ang ganda pa rin. Sana magustuhan pa rin nila,” sambit niya.

RODEL FERNANDO: In fairness kay Kokoy hindi siya ipokrito na tulad ng iba. ‘Yung iba kasing lalaki na celebrity ay sumusumpa pa sila na hindi papatol sa bading pero may itinatago naman palang lihim. Itong si Kokoy at least wala siyang kiyeme na sabihin na baka puwedeng mangyari na may makarelasyon siyang gay.

Pero para namang hindi ako naniniwala sa sinabi niya na walang nagpaparamdam sa kanya. For sure sa pagiging hot niya lalo na sa kanyang mga ginagawang proyekto ay imposible na walang bading na lumalapit sa kanya. After all, ‘yung itsura palang at tikas niya ay nakaka-attract na sa ikatlong lahi.

ROLDAN CASTRO: Naniniwala akong magtatagal sa industriya si Kokoy. Siya lang ang young actor natin na nakakatawid sa ABS-CBN 2, TV 5 at GMA-7 ngayon. Ibig sabihin, may talent siya kaya naiikot niya ang mga network.

Hayan nga ay may replay na tuwing Sabado sa TV5 ang show nila ni Maris Racal. Mapapanood na rin siya sa Pepito Manaloto ng Kapuso network.

Bilib din ako sa karisma ng batang aktor. Isang movie produ ang nakausap ko kung sino talaga ang bet niya na iprodyus ng pelikula. Stick pa rin siya na si Kokoy ang gusto niya.Malaki ang nakikitang potensyal ng movie produ na magiging bagong Coco Martin si Kokoy sa takdang panahon.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.