Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kokoy, Sef, EA, Kristoffer agawan sa ‘Bukol King’

0 114

NI: ROLDAN CASTRO

Nagsimulang pinalabas kahapon ang family sitcom na ‘Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento’.

Bukod sa pagiging kuwela,pansinin ang maikling shorts nina Sef Cadayona,Kokoy de Santos, Kristoffer Martin, EA Guzman, Jay Arcilla kaya tinatanong ng mga netizen kung sino ang ‘Bukol King’ sa kanila.

Anyway, sa prequel ng sitcom ay si Sef ang gumanap na Pepito Manaloto samantalang si Mikee Quintos naman si Elsa dela Cruz.

“Una sa lahat ang gagampanang role natin dito ay si Pepito Manaloto na more than 10 years na at talaga namang matibay. Tapos ipo-portray mo pa ‘yung batang Pepito, si Kuya Bitoy, siyempre nandoon ‘yung pressure.

“Ang pressure naman kasi hindi mawawala lalo na kung gustong-gusto mong ibigay ‘yung kaya mo. Personally, I can say na masuwerte ako na ang dami kong pwedeng hingan ng advice at guide kasi wiling na willing ang buong team na tulungan kami kung ano ‘yung kailangan namin maipakita sa Ang Unang Kuwento,” hirit ni Sef.

Sey naman si Mikee, “Si Ms. Manilyn, I really admire her off-cam. Nakasama ko na siya before sa The Lost Recipe. ‘Yung guidance niya, how she is and how she talks – sobrang malumanay, very welcoming, and very mommy. Ganoon ‘yung vibe niya. It’s very distinct, her character.

“As Elsa, nage-enjoy akong gayahin siya kasi ang layo noon sa personality ko. Challenge siya but nae-enjoy ko siyang gawin.”

Kasama rin sa Pepito sina Pokwang , Gladys Reyes , Archie Alemania , Denise Barbacena , Angel Guardian.

Mapapanood pa rin ang original cast na sina Manilyn Reynes at Michael V. Ito ay sa direksyon ni Bert de Leon .Mapapanood tuwing Sabado, 6:15PM sa GMA-7.

Leave A Reply

Your email address will not be published.