Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kolehiyala tinakot, dating lover bagsak sa sextortion

0 620

Arestado ang isang 39-anyos na lalaki matapos ang entrapment ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (ACG) nang kikilan nito ang dating nobya at hinirit makipag-sex kapalit ng hindi nito pagpapakalat sa social media ng hubad na larawan at video ng dalaga sa Hinunangan, Southern Leyte.

Kinilala ni PNP chief General Guillermo Eleazar ang nadakip na si Chadlie Bual, may-asawa. Naaresto ito Sabado ng umaga habang tinatanggap ang P21,000 pera sa entrapment operation ng mga tauhan ng PNP-ACG Regional Unit 8 sa Rela Jarce Foodhouse and Coffee shop sa Barangay Poblacion ng nabanggit na bayan.

Ayon kay Eleazar, dinakip ang suspek matapos humingi ng tulong ang 21-anyos na dalagang biktima, college student, sa Women and Children Protection Desk ng Hinunangan Municipal Police Station.

Inamin ng biktima na dati niyang boyfriend ang suspek at ilang beses na rin silang nagtalik.

Nakipaghiwalay siya dito matapos malamang may-asawa na ito.

Subalit patuloy pa rin siyang ginugulo ng suspek at binantaang ipapadala sa mga kaibigan nito ang mga hubad niyang larawan at video kung hindi umano siya papayag na makipag-sex uli at ibigay ang pera.

Doon na humingi ng tulong ang biktima sa pulisya na agad nakipag-ugnayan sa PNP-ACG Southern Leyte at ikasa ang entrapment operation. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.