Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kolehiyo, unibersidad `di kasama sa Oct 5 – CHED

0 120

Nilinaw ng Commission on Higher Education (CHED) na hindi sakop ang mga kolehiyo at unibersidad ng binagong petsa ng Department of Education (DepEd) para sa bukas klase nito ngayong School Year 2020-2021.

Ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera III, tuloy pa rin ang pagbubukas ng klase ng ilang kolehiyo at unibersidad sa August 24 kung saan nagsimula na rin ang online learning ng ilang paaralan.

Aniya, ang mga higher education institution ay nasa ilalim ng Republic Act No. 7722 o CHED law na pinapayagan ang mga kolehiyo at unibersidad na magbukas ng klase batay sa desisyonan ng kanilang board.

“Universities open their school year, as approved by their board, depending on the way they structure their semester. Hindi po kasi pwede sabay-sabay ang pagbubukas ng mga pamantasan dahil iba-iba ang academic calendar,” paliwanang ni De Vera.

Siniguro rin nito na ang pagtuturo sa mga kolehiyo at unibersidad ay online at walang face-to-face classes upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.