Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kolektor ng pautang tinodas sa holdap

0 116

Agad na nasawi ang isang collector ng lending company matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek nang tumanggi umano ang biktima na ibigay ang mga perang kanyang nakolekta sa Barangay Cabaruan, Tabuk City, Kalinga kamakalawa.

Kinilala ng Tabuk City Police Station ang biktima na si Ryan Christopher Subac, 23-anyos at micro finance officer ng isang lending company.

Ayon sa pulisya, matapos na maningil ng pera sa mga nangutang sa kanilang kompanya ay umalis na ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo.

Subalit lingid sa kaalaman ng biktima, sinundan siya ng dalawang suspek na magka-angkas sa isang motorsiklo habang binabagtas ang kalye ng

SM SuperKidsDay Banner Ad

Purok 3 sa nasabing barangay.

Doon biglang hinarang umano ng mga suspek ang biktima at hinihingi ang pera sa kanya. Subalit nang ayaw ibigay ang pera ay pinagbabaril ng isang suspek sa dibdib ang biktima gamit ang isang kalibre .45.

Hindi pa batid kung magkano ang perang nakulimbat ng mga suspek.

Patuloy pa ang pag-iimbestiga ng mga awtoridad sa krimen para matukoy at masakote ang mga suspek. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.