Abante Tonite Interactive

Komedyana ‘di ligtas sa paniningil ng bombay

927

NI: Archie Liao

Imbiyernang-imbiyerna ang beteranang komedyanang ito. Bukod sa tigil ang kanyang raket sa ipinatutupad na enhanced community quarantine, napilitan siyang maagang mag-staycation sa kanyang balaysung.

Super penitensiya raw ito lalo pa ‘t apektado ang kanyang kabuhayan showcase.

Hindi mo kasi mahagilap sa kanyang bahay ang komedyanang ito hindi dahil super busy siya sa kanyang taping o shows kundi nagtatago siya sa kanyang pinagkakautangan.

Kapag daw kasi naniningil na ang bombay na inutangan niya ng 5-6, laging may bilin daw ito sa kasambahay na nasa trabaho siya. Dahil ditto, laging nauunsiyami ang humahabol sa kanyang creditor.

Ngayong nakagarahe siya at naka-self exile sa kanyang balay,wala nang rason ang komedyana para makapagtago sa bombay na gusto niyang takbuhan.

Sino ang mala-palos na komedyanang ito na di umubra ang drama sa kanyang pinagkakautangan in the time of quarantine?