Abante Tonite Interactive

Komedyante nagbugaw ng sexy actress

By
3,053

MADALAS makita sa isang five-star hotel ang isang komed­yante. Pero hindi siya nag-iisa. Nauuna lang siya kung minsan, pero siguradong may darating na magandang babaeng naghahanap sa kanya, saka sabay silang makikipagkita sa kanilang pakay.

May casino sa natu­rang hotel, pero hindi sila nagsusugal, iba ang pakikipagsugal na alam ng komedyante at ng bitbit niyang ma­gandang babae.

Nu’ng isang gabi ay karay-karay ng ko­medyante ang isang sexy actress na may regular na programa ngayon sa isang higanteng network. Meron silang hinahanap sa five-star hotel, ikot sila nang ikot, hanggang sa makita na nila ang lalaking naghihintay rin sa kanila.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng paalis na si komed­yante, e, nag-iisa na lang siya. Nasaan na ang karay-karay niyang girl?”

Kilalang Boogie Won­derland ang ko­medyante. Mas malaki ang kinikita niya sa ganu’n kesa sa magdamagang taping ng sitcom na kinabibilangan niya.
***

Magkatambal nag-foot romance

PINAGPIPIS­TAHAN ang ka­kaibang pag­lalambingan ng isang magka-loveteam. Deny pa sila nang deny, pero niloloko lang naman nila ang publiko lalo na ang kanilang mga sarili, dahil matagal nang sila.

Kapag nagpapa-make-up ang girl sa dressing room ay magkatabi sila. Patagilid ang pagpapa-make-up ng magandang young actress, dahil ang kanyang mga paa ay nakapatong sa silya ng kanyang boyfriend, nasa pagitan ng magkabilang hita ng young actor ang dalawang paa ng kanyang girlfriend.

Kuwento ng isang source na madalas ma­kakita sa magka-loveteam sa ganu’ng posisyon, “Hindi nga sila nagyayakapan, hindi nga sila naghahalikan, pero kumustahin n’yo naman ang kakaiba nilang pag­lalambingan?

“Natural, gumagalaw-galaw ang mga paa ng girl, napapaigtad naman ang guy kapag tinatamaan ang kanyang sandata, ang galing-galing nila, di ba?

“Ang tawag ng mga nakakakita sa kanila sa ganu’ng position, e, nagpu-foot romance sila. Wala sa itaas ang kilos, nasa ibaba, ang galeng-galeng talaga ng magka-loveteam na ‘yun!” humahalakhak na kuwento pa ng a­ming source.

Ha! Ha! Ha! Ha!
***

Hiwalayang Jodi-Jolo malalim ang dahilan

HINDI pa nga si­guro tamang panahon para magbigay ng kanilang mga pahayag sina Vice-Governor Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria tungkol sa pinag­pi­pis­tahan nilang paghihiwalay.

Pero du’n na rin ang uwi ng sitwasyon, pareho silang umiiwas sa tanong kung tapos na ba ang lahat sa pagitan nila, totoo ngang hanggang du’n na lang ang lahat sa kanilang romansa.

Oo nga naman, oo o hindi lang naman ang makapagbibigay-linaw sa kanilang sitwasyon ngayon, pero maramot pa sa pagbibigay ng pahayag ang dalawa. Thank you lang ang naging sagot ni Jodi, ngiti naman ang naging tugon ng aktor-pulitiko, mga makahulugang aksiyon na kumukumpirma na rin sa kanilang hiwalayan.

Tanging panghihinayang na lang ang ating mararamdaman dahil nasaksihan natin ang kanilang mga sakripisyo at pakikipaglaban para sa ka­nilang relasyon.

Tanggap na tanggap na sila ng kani-kanilang pamilya, mag­kaibigan na rin sina Thirdy at Gab, ang mga produkto nila sa unang nabi­gong pakikipagrelasyon. Wala na sanang problema sa kanilang pagsasama.

Pero sabi nga ng isang nakakuwentuhan namin ay may mas malalim na dahilan ang lahat. Isang seryosong dahilan ‘yun na hindi nila kayang ibahagi sa publiko dahil hindi sila ang may hawak.

Hindi nila kontrolado ang sitwasyon. Wala sa kanilang dalawa ang pagdedesisyon. Wala si­lang magagawa kundi ang maghintay na lang sila sa tamang pagkakataon kung sila pa rin ang para sa isa’t isa.