Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Komedyante siniraan na balik-bisyo

0 540

Totoo nga namang nakakaawa ang isang kilalang personalidad na nalilinya sa pagkokomedya dahil hanggang ngayon ay ayaw pa rin siyang tantanan ng mga taong napahiya sa pangwawasak sa kanyang imahe.

Tinangka ng kampong ‘yun na palabasin siyang iresponsable, mabisyo at walanghiya, pero sa bandang huli ay lumabas ang katotohanan, puro kabaligtaran pala ang mga ibinibintang laban sa kanya.

Pansamantalang pinagdudahan ng publiko ang kanyang pagkatao, may mga nag-isip na bilanggo siya ng droga, pero nabaligtad ang senaryo. Ang babae palang sumisira sa kanya ang hanggang ngayo’y may pinagkakaabalahan pa ring hindi kagandahang gawain.

Kuwento ng aming source, “Responsableng ama si ____(pangalan ng komedyante), lahat na nga ng trabaho, e, pinapasok niya, para lang siya kumita para sa mga taong sa kanya lang umaasa.

“Napatunayan na niya ‘yun nang matagal na panahon, alam ng mga kaibigan niya na kahit wala nang matira sa kanya, basta maayos ang pamilya niya, e, okey lang ‘yun!” unang paglilinaw ng aming impormante.

Malinaw ang usapan. Susustentuhan ng komedyante ang kanyang anak. Kasali na rin siyempre sa mga makikinabang sa ibinibigay niya ang mga taong matagal nang siya lang naman ang inaasahan.

Patuloy na kuwento ng aming source, “Pero may mga tao talagang mahirap kausap! Sa halip na magpasalamat, e, naninira pa! Kung anu-anong kuwento ang inilalabas nila, palibhasa, hindi nakalusot ang gusto nilang mangyari!

“Mahuli lang nang konti ang sustento, meron na agad silang sinasabi! Pandemya ngayon, walang gaanong trabaho ‘yung tao, pero hindi pa rin siya nakalilimot sa pangako niya.

“Sila kaya ang maghanap ng trabaho para makatulong naman sila, hindi ‘yung ganyan na pumayat lang ‘yung tao, e, palalabasin na nilang nagbalik na naman sa bisyo!

“Kapag nadadagdagan naman ang timbang ng komedyante, hiyang na hiyang daw siya sa pagbibisyo! Saan naman pupunta ‘yung tao? Naku, pailalim siyang sinisiraan ng mga taong siya ang nagpakain nang napakatagal na panahon!

“Amoy takla ang bibig ng mga taong ‘yun, walang kasiyahan, hindi nakukuntento!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

Pamilya ni Andrea sangkot sa hiwalayan kay Ramsay

Masarap interbyuhin si Derek Ramsay. Napakatotoo niya. pinaninindigan ng hunk actor ang kanyang mga pinakakawalang pahayag. Wala siyang pero-pero at kasi-kasi.

Sabi ng pinaslang na sikat na miyembro ng The Beatles na si John Lennon, “Everything will be okay in the end. If it’s not okay, it’s not the end.”

‘Yun ang gustong ipunto ni Derek nang tanungin namin siya kung may kinalaman ba ang pamilya ni Andrea Torres sa kanilang paghihiwalay? “Opo. Opo,” ang isinagot ng aktor.

Nakatiklop pa kasi ang pahinang ‘yun ng libro ng kanilang paghihiwalay. Nagpakatotoo lang si Derek. Totoo, pero wala siyang ibinigay na anumang detalye, sinabi lang niya ang totoo.

Hindi lang masarap kapanayamin si Derek, masarap din siyang idepensa, dahil hindi siya nang-iiwan sa gitna ng laban. Walang katapat na presyo ang “balls” ni Derek, kung ano ang kanyang sinabi, pinaninindigan niya.

Wala sa kanyang bokabularyo ang pagpapasa ng sisi sa reporter, hindi niya sinasabing pinilit lang siyang magsalita, tinatayuan niya ang kanyang mga pahayag.

Hindi uso kay Derek Ramsay ang pagdedenay. Kung ano ang totoo ay sinasabi niya. Hindi siya nagpapabilanggo sa kasinungalingan.

Ganu’n ang taong gusto nang iwanan sa nakaraan ang kanyang saloobin, gusto niyang magsimula nang wala nang kuwentong nakatago lang sa ilalim ng carpet, napakasarap makaengkuwentro ng artistang may bayag.

Leave A Reply

Your email address will not be published.