Abante Tonite
Mabilis sa Balita

TV host bumalik sa bisyo

0 187

Palaging pinag-uusapan ngayon nang pabulong ang isang komedyante-TV host na diumano’y hindi na naman kagandahan ang takbo ng personal na buhay.

May mga kuwentong lumulutang ngayon na kinakapos na naman ang komedyante, palaging nangungutang sa kanyang mga kaibigan, totoo nga kayang bumalik na naman siya sa dati niyang pinagkakaabalahang bisyo?

Kuwento ng aming source, “Naku, mukhang maligalig na naman ang buhay niya ngayon! Kung dati, e, wala nang problema sa kanya, balik na naman siya sa dati ngayon sa kawalan ng disiplina!

“Akala pa naman ng mga kaibigan niya, e, natuto na siya sa buhay, pero heto, mukhang balik na naman siya sa kung saan siya nadapa!” unang komento ng aming impormante.

Marami nang masaya sa takbo ng buhay niya mula nu’ng makipaghiwalay siya sa kanyang dating karelasyon na nagtimbog sa kanya at nagbintang ng kung anu-anong pekeng kuwento.

Pero ilang linggo na ngayon na bumabalik siya sa dati, kung kani-kanino siya nagungutang, kaya maraming nagdududa na nagkabalikan sila ng kanyang ex.

Balik-chika ng aming source, “Halatado namang ganu’n nga ang nangyari dahil nawawala na naman siya sa gitna ng aksiyon! Meron na naman siyang pinagkakaabalahan na ang naiisip lang ng mga close sa kanya, e, ang dati niyang karelasyon ang palagi niyang kasama!

“Naku, baka layuan na siya ng mga friends niyang nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya kung ganyan naman palang wala siyang kadala-dala!

“Sino pa ang magtitiwala sa kanya ngayon kung ganyan na wala naman pala siyang paninindigan? Para naman sa kanya ang ginagawa ng mga kaibigan niya, pero hindi man lang niya ‘yun pinahalagahan!

“Nangangayayat din siya ngayon, balik sa dati ang itsura niya! Aba naman, mukhang may pinagkakaabalahan nga siyang hindi kagandahan ngayon!

“Kapag hindi niya pinag-isipang mabuti ang takbo ng buhay niya, e, baka pulutin na lang siya sa kangkungan! Ang ganda na ng kartada niya nu’ng magkahiwalay sila, pero heto na naman siya!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Willie nilinaw ang tampo kay John Lloyd

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nu’ng Martes ay biglang pumutok ang balitang nagtampo si Willie Revillame kay John Lloyd Cruz kaya nagdesisyon ang Wowowin host na bumaklas na sa sitcom na gagawin ng nagbabalik na aktor sa GMA-7.

Parang apoy na kumalat ang balita. Una, nagtampo raw si Willie nang makipag-meeting sa mga ehekutibo ng network si JLC nang hindi man lang siya binusinahan tungkol du’n.

Ikalawa, meron daw ginawa si Lloydie na hindi nagustuhan si Willie, kaya parang tumabang na ang pagtrato niya sa aktor.

Mas magandang kay Willie mismo manggaling ang paglilinaw sa isyu, siya lang ang makapagbibigay ng tamang bersiyon ng balita, wala nang iba pa.

Ikinagulat ng aktor-TV host ang kumalat na kuwento, napakabilis naman daw nagkaroon ng intriga sa pagitan nila, samantalang siya pa nga ang gumawa ng paraan para makapagtrabaho sa GMA-7 si JLC.

“Wala, hindi totoo ‘yun. Walang ganu’n. Ang totoo, sa sobrang dami kong ginagawa, e, hindi ko na talaga kakayanin pang tumanggap ng ibang trabaho.

“Sa Wowowin pa nga lang, e, punumpuno na ang oras ko, may Shopee pa akong ine-endorse ngayon, may iba pa kaming binubuong segments, kaya wala na halos akong panahon para sa sarili ko.

“’Yun lang ‘yun, punumpuno na ang schedule ko, kaya kung gagawa pa ako ng sitcom, e, magiging sobrang busy na ako,” simpleng paliwanag ni Willie.

Kunsabagay, nu’ng sabihin niya na gagawa sila ng sitcom ni Lloydie sa GMA-7 ay nagduda na kami, saan pa kaya niya kukunin ang oras para sa taping ng programa?

Hindi lang naman siya nagho-host lang, kaliwa’t kanan ang pakikipag-meeting niya sa kanyang mga sponsors, regular din ang production meeting nila ng staff ng Wowowin-Tutok To Win.

Mahihirapan talaga si Willie, kung ang makina nga ay ipinapahinga, ang kanyang katawan pa kaya?

Leave A Reply

Your email address will not be published.