Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Komite binuo para mag-imbestiga

0 210

Bumuo ang Philippine Sports Commission ng isang fact-finding committee upang halukayin ang iba pang mga anomalyang nagaganap sa loob at labas ng ahensiya nang madiskubre ang isang empleyadong sangkot sa “payroll padding”.

Ayon kahapon kay PSC Officer-in-Charge at Commissioner Ramon Fernadez kasama si Deputy Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr., hahalukayin pa ng ahensiya ang ibang posibleng nasasangkot sa mga anomalya dahil sa mga reklamo sa allowances, sahod at insentibo ng national athletes at coaches.

“Yes we will dig deeper pa for I already recommended for creation of fact finding committee,” panegunda ni Iroy sa tinuran ng komisyuner.

Una nang inimbitahan ang PSC employee na si Paul Michael Padua Ignacio bago tuluyang kinulong sa National Bureau of Investigation (NBI) na tinuturong utak sa payroll ng mga atleta at coach.

Napag-alaman ng NBI investigator na halos limang taon nang nagaganap ito at aabot na sa P14M ang mga napasakamay ng suspek. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.