Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Komportable sa ilalim ng tubig

0 155

Ano pong ibig kahulugan ng panaginip na alam mong nasa ilalim ka ng tubig? Hindi ko sure kung swimming pool o dagat pero tumalon daw ako sa tubig tapos nag-stay lang ako sa ilalim habang tinitingnan ‘yung liwanag sa taas at parang komportable na ako sa ganoong posisyon.

– Buttercup

Pwedeng i-interpret ang panaginip na ito sa dalawang magkahiwalay na bagay. Una, kung malinaw o hindi madumi ang tubig kung saan ka tumalon, nagbibigay ito ng pag-asa at nangangahulugan na magiging positibo ang mga kaganapan sa iyong future.

Pangalawa, kung marumi naman o parang putik ang tubig nito ibig sabihin papasok ang kaligayahan sa iyong buhay ngunit hindi mo ito ma-appreciate dahil sa iba pang mga bagay

na kailangan mong alalahanin.

Sa iba namang mga paniniwala, kung babae ang nagkaroon ng panaginip na tungkol sa underwater, sign umano ito na mabubuntis siya. Mayroon ding koneksyon ang alon at karagatan sa buwanang dalaw ng isang babae at nagiging indikasyon ito ng emosyon na gusto nating makamit sa future.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Kung nakita mo halimbawa na mayroong baha sa inyong bahay o kaya naman sa labas, at tinangay ka nito nangangahulugan naman ito na makakaranas ka ng problemang pinansyal o sa iyong career.

Kailangan mo ring mag-ingat sa mga desisyon na gagawin mo dahil malapit ka ngayon sa pagkakamali. Kung makakagawa ka rin ng pagkakamali dahil hindi ka magpopokus, maaaring maging malaki ang epekto nito sa iyo.

Sabi mo rin tumalon ka mismo sa tubig at nakita mo na lang ang sarili mo na nasa ilalim ka na nito habang tinitingnan na lang liwanag sa taas, mukha man itong senyales ng pagsuko, sinasabi lang ng panaginip mo na medyo nawawalan ka ng passion sa ginagawa mo.

Subukan mong tingnan ang sarili mula sa malayo upang makita mo ang lahat ng aspekto at sitwasyon ng iyong buhay. Sa pamamagitan nito, mas makakapagplano ka nang buo at epektibo.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com  

Leave A Reply

Your email address will not be published.