Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Konduktor, pasahero nalitson sa bus

0 112

Dalawa katao ang nalitson nang buhay habang apat ang sugatan nang liyaban at sunugin umano ng isang pasahero ang sinasakyang pampasaherong bus sa Commonwealth Avenue, Quezon City, Linggo ng hapon.

Patay ang konduktor na si Amelene Sembana at isang hindi pa kilalang lalaki, ayon sa inisyal na ulat ng QC Bureau of Fire Protection.

Nabatid kay SF03 Francisco Mabunga ng QC Central Fire Station, ala-1: 20 ng hapon kahapon, bumabaybay umano ang bus sa southbound lane, patungong Pearl Drive sa Greater Fairview nang bigla itong magliyab.

Bago nasunog ang bus ay nagtalo umano ang konduktora at pasahero hinggil umano sa tamang babaan hanggang sa buhusan ng huli ng gasolina ang konduktora at nagbuhos din sa sarili saka ito sinilaban.

Dahil dito ay nagtulakan at kanya-kanyang talunan ang mga pasahero sa binasag na bintana, ayon sa mga saksi subalit may na-trap umano sa loob.
Ganito rin ang naging pahayag ni Valentino Obligasion, 45, driver ng Fairview Bus (NAL 6673) at body number 1606.

“May nakaaway po yung konduktor na pasahero… Nung nakita na lang po, tumatakbo na yung konduktor ko, sinindihan siya nung pasahero… Dun na po nag-umpisa ang sunog,” ayon kay Obligasion.

Ayon naman sa pasaherong si Jennifer Lutao, binuhusan ng lalaki ang konduktora ng hinihinalang gas na nakalagay sa isang maliit na bote at dahil sa mga plastic barrier ay mabilis na kumalat ang apoy.

naapula ang apoy bandang ala-1:20 ng hapon. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.