Abante Tonite Interactive

Konduktor sa Victory Liner nireklamo ng sexual harassment

419

Nagharap ng reklamo sa pamunuan ng Victory Liner ang isang babae na nakaranas diumano ng sexual harassment sa isang konduktor ng naturang bus company na kanyang nasakyan.

Sa kuwento ni Anjelina Garcia, na binahagi nito sa social media, sumakay sa Sampaloc Station ng Victory Liner ang kanyang kaibi­gang babae, umaga ng Agosto 17 na papunta ng Tuguegarao.

Buong biyahe umano ay hinihingi ng konduktor sa kanyang kaibigan ang phone number nito. Buong biyahe rin umanong kinukulit ng konduktor ang kanyang kaibigan para tanungin kung saan ito nakatira.

Dahil hindi binigay ang kanyang phone number, hindi umano pinahinto ng konduktor ang driver kung saan bababa ang kanyang kaibigan. Nang bumaba na ito ay sinabihan pa siya ng konduktor na hindi talaga sana siya ibababa dahil “hindi mo kasi binigay number mo.”

“Imagine getting sexually harassed in a bus, a CLOSED SPACE with no opportunity to leave whenever you feel threatened by THE VERY PERSON IN CONTROL of the bus,” sabi ni Garcia sa kanyang post sa Facebook.

“This is a CLEAR VIOLATION of the Anti-Bastos Law and the obligations of common carriers. And Victory Liner, Inc. has to answer for this.”
“As public transport, buses are supposed to observe a high standard of care to protect passengers against ALL KINDS OF INJURY. Instead, their conductors sexually harass female passengers, THREATE­NING THEIR SENSE OF PERSONAL SAFETY,” sabi pa ni Garcia.

Inireklamo na nina Garcia ang pangyayari sa pamunuan ng Victory Liner, at kinakausap na nila ang kanilang abogado kung anong mga hakbang ang kanilang gagawin.

Sa payo na rin ng kanilang abogado, hindi muna nila ilalabas ang bus number sakaling desisyunan nilang tuluyan nang kasuhan ang kompanya.

“As the employer, Victory should also take responsibility for its employee’s actions and make sure this never happens again,” sabi ni Garcia.

“As of now, the goal is to hold Victory Liner itself accounta­ble because this is the usual behavior of its conductors. I’ve perso­nally gotten ‘uy sexy’ and ‘uy ganda’ comments from them countless of times. And this has to stop. Victory has to make sure this stops.”

Hiningi ng Tonite ang panig ng Victory Liner ngunit wala pa itong pahayag as of press time. (Eileen Mencias)