Abante Tonite Interactive

Koneksyon sa internet sakit ng ulo

240

Dalawa sa nag-email sa inyong lingkod ang may problema sa kanilang koneksyon sa Internet.

Subscribers sila ng isang kilalang network provider kung saan sila nagpakabit ng 1mbps na speed service ng internet at may binabayarang humigit kumulang na isang libong piso kada buwan.

Palibhasa may online store ang isa sa ating mga complainant kaya nababagalan pa daw siya sa bilis na 1mbps kaya binalak nya daw mag-upgrade ng 5mbps hanggang sa nag-request siya at tumawag sa ahente ng network provider.

May nagpuntang ahente sa kanyang bahay at inalok sya nito ng one-time payment para sa mas mataas at mabilis na serbisyo ng internet at wala na raw siyang babayaran pa na monthly at siya na daw ang bahalang mag-maintain ng kanyang internet. Wala daw putol ang kanyang internet lifetime.

`Wag lamang daw maingay sa iba at `wag daw papa-check ito sa kompanya.

Sa kagustuhan na makatipid at maging mabilis ang kanyang internet nagbigay ito ng one-time payment na six thousand.

Ilang buwan din nyang na-enjoy ang bilis ng kanyang Internet na walang binabayarang monthly sa kompanya kung saan siya naka-connect ng Internet.

Hanggang sa unti-unti itong bumagal at tulu­yang nawala.

Tinawagan nya ang nasabing ahente at nagpakita muli sa kanya at may sini­ngil na offer naman na mas mabilis daw na speed ng Internet na papalo sa 8 to 10mbps nagkakahalaga ito ng eight thousand naman.

Umabot sa almost 50 thousand ang nakuha ng nasabing ahente kasama na ang iba pa niyang mga negosyo na pinakabitan niya din ng matataas at mabibilis daw na speed ng Internet hanggang sa halos sabay-sabay ding nawala ang mga koneksyon at serbisyo.

Sinubukan nyang tawagan ang nasabing ahente ngunit ito ay `di na sumasagot sa kanyang mga tawag o text.

Isang email din na halos ganun din ang nangyari kung saan naman isang cable company agent ang nag-alok ng one-time payment for a lifetime cable service na nagkakahalaga naman ng ten thousand pesos. Pareho din ang siste ilang buwan ang lilipas na punung-puno ng channel ang cable at pawang lahat ay malilinaw pa hanggang sa unti-unting maglaho ang mga channel pati signal ng nasabing koneksyon.

Pinayuhan natin ang mga complai­nant at tinuro sa kanila ang mga taong dapat nilang lapitan at pagsumbungan. Mag-ingat sa mga mag-aalok sa inyo ng mga ganitong serbisyo na yung iba ay talagang lehitimong empleyado pa ng mga service provider company. Sa kagustuhang makatipid mas mala­ki pa ang nawala sa kanila na bukod sa pera ay pati ang serbisyo ng kanilang mga internet at telebisyon.