Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kongreso apaw na! Dela Rosa bet lusawin party-list

0 91

Pabor si Senador Ronald `Bato’ Dela Rosa na amiyendahan ang Saligang Batas para malusaw na ang party-list system sa bansa.

“Kung puwede tanggalin na `yan at balik na lang sa orihinal na kinatawan,” sabi ni Dela Rosa sa panayam ng DWIZ kahapon.

Naniniwala ang senador na sa dami ng mga kongresista ay hindi na kailangan ang party-list.

“Sa totoo lang ang dami naman na kayang-kaya na `yan, kahit alisin na ang party-list system,” ayon kay Dela Rosa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Malaki rin aniya ang matitipid sa pondo ng pamahalaan kapag tinanggal na ang party-list system.

Bukod dito, napapansin din aniyang nilalaro lamang ng mga politiko ang party-list system at nagagamit din ng mga kalaban ng gobyerno tulad ng New People’s Army.

“Real talk lang tayo `di talaga natin kailangan `yan at ang masaklap dyan nagamit ng kalaban ng gobyerno. `Yan ang `di ko gusto so hindi naman porke `di ko gusto ay i-insist ko na idadaan natin sa proseso,” ani Dela Rosa. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.