Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kongreso binira PhilHealth diskarte sa pandemya

0 245

Kinuwestiyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang itinakdang requirement ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) hinggil sa accreditation ng mga doktor sa gitna ng COVID-19 pandemya sa bansa.

Ayon kay Deputy Speaker at Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera, sa itinakdang patakaran ng PhilHealth, dapat munang maging kasapi ng pribadong organisasyon na Philippine Medical Association (PMA) ang isang doktor bago ito i-accredit ng ahensiya.

“Why would PhilHealth, a government-owned and controlled corporation, require a doctor to be a member first of a private organization such as PMA before he or she can serve millions of Filipinos who use PhilHealth insurance to avail of medical services?” tanong ni Herrera.

Giit ng kongresista, bukod sa nakakasama umano ito sa mga doktor at publiko, maaaring labag ito sa Universal Health Care Act o Republic Act No. 11223).

“Kung hindi PhilHealth accredited ang isang doktor na pinagpagamutan ng isa nating kababayan, hindi niya maaaring gamitin ang PhilHealth insurance niya at kailangang niyang magbayad ng mas malaking halaga para sa tinanggap niyang medikal na serbisyo,” paliwanag ni Herrera.

Naniniwala si Herrera na sapat na ang Professional Regulation Commission (PRC) license ng mga doktor upang mapagsilbihan ang taongbayan na umaasa sa PhilHealth para sa kanilang medikal na pangangailangan.

Dahil dito, umapela ang kongresista sa PhilHealth na pakinggan at ikonsidera ang pagtanggal sa nasabing requirement.

Aniya pa, ilang medical frontliner ang nagpaabot sa kanya ng kanilang reklamo kaugnay sa naturang patakaran ng Philhealth.(Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.