Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kongreso kakaladkarin mga hospital boss

0 494

Nagbabala ang isang kongresista na kanilang ipatatawag sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga opisyal ng ospital na sobra-sobra kung maningil sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, mayroong kapangyarihan ang pinamumunuan niyang House committee on ways and means upang ipatawag ang mga hospital manager.

Sabi ni Salceda, bagama’t nakatutok pa sa ngayon ang gobyerno para matugunan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa, may pagkakataon din aniya na kanilang isa-subpoena ang mga hospital manager para talupan sa isyu ng mataas na singil sa mga pasyente nila.

“I am also warning hospitals. Right now, we want medical facilities to focus on getting people well. But, there will be a time after COVID-19 when we can subpoena your managers for abusive medical billing practices. So, don’t push it,” ani Salceda.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ginawa ni Salceda ang babala kasunod na rin ng nadiskubre sa pagdinig ng Kamara kamakailan na may mga ospital na naniningil umano ng P1,000 kada oras sa kanilang mga pasyente kahit nasa tent o tolda pa lamang naka-admit ang mga ito.

Pinagsabihan din ng kongresista ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na kahit nasa tent o nasa building ay malinaw na saklaw nito ang isang pasyente.

Reaksyon ito ni Salceda sa naunang pahayag ni PhilHealth Acting Senior Vice President Neri Santiago na hindi babayaran ng ahensya ang gastos sa hospital tent dahil wala pang pamantayan ang ahensiya para rito.

“How can we lack so much common sense? And why is it the patient’s fault? It’s PhilHealth who sets the standards. And tents are merely extensions of hospitals. You are in a tent because the hospital proper cannot yet accommodate you, but you are being given hospital care. This is the height of bureaucratic absurdity,” ani Salceda. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.