Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kongreso kinalampag sa sahod ng mga health worker

0 58

Nagsagawa ng kilos protesta nitong Lunes ang isang alyansa ng mga health worker para kalampagin ang Kamara sa hinihingi nilang dagdag sahod gayundin ang libre, mabisa at ligtas na bakuna laban sa COVID-19 para sa lahat ng Pilipino.

Giit ng National Alliance of Health Workers na mag-iisang taon na mula nang maganap ang pandemya sa COVID-19 subalit wala pa ring nagbabago sa kanilang kalagayan.

Ayon kay Robert Mendoza, national president ng alyansa, mababa pa rin ang sahod ng mga health worke, patuloy pa rin nilang ipinaglalaban na makatanggap ng mga kaukulang benepisyo sa gitna ng mapanganib na sitwasyon dulot ng COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kinalampag nila ang Kongreso para magpatibay ng batas kung saan magiging P16,000 na ang entry salary para sa Salary Grade 1 (SG-1) position at magkaroon ng dagdag sahod para sa SG-2 hanggang SG-15 para sa lahat ng health worker sa gobyerno, mga government-owned and controlled corporation at mga hospital worker sa local government unit.

Leave A Reply

Your email address will not be published.