Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kongreso lilinawin buwis sa mga private school

0 147

Naghain ng panukala si Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez upang pigilan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na itaas sa 25% mula sa 10% ang buwis na ipinapataw sa mga pribadong eskuwelahan.

Ayon kay Rodriguez, inihain niya ang House Bill No. 9577 upang maging malinaw sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Law na hindi itataas ang buwis na ipinapataw sa mga pribadong paaralan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“With the bill, I hope the BIR will see that the intent of the law is to really give all proprietary educational institutions a preferential tax of 10 percent, which from July 1, 2020 to June 30, 2023 is 1%,” sabi ni Rodriguez.

Nagbabala si Rodriguez na ang aksyon ng BIR ay magresulta sa pagdami ng mga nagsasarang paaralan o sa pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin na papasanin ng mga estudyante at kanilang pamilya. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.