Abante Tonite Interactive

Kongreso, Palasyo kinalampag sa SC ruling

424

Panitikan, Filipino isalba

Nagpasaklolo ang Tanggol Wika sa K­ongreso at Senado na pagtibayin ang kani-kanilang bersyon ng panukalang batas na nag-aatas na ga-wing mandatoring asignatura o subject sa kolekiyo ang Filipino at Panitikinan upang maisalba ito sa tuluyang pagkalusaw bunsod sa ipinalabas na kautusan ng Korte Suprema.

Nanawagan ang Tanggol Wika, isang alyansa ng mga propesor, estud-yante, manunulat at mga cultural activist sa Kamara na ipasa ang House Bill 8954 na nagtataguyod sa Filipino bilang asignatura sa kolehiyo gayundin ang katulad na bersyon ng Senado upang maresolba ang kasalukuyang krisis.

Kinalampag din ng grupo ang tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte na agad na i-certify na urgent ang nasabing bill.

Umani ng reaksyon ang ipinalabas na final ruling ng SC sa pagtatanggal sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo at pinapayagan na lang itong ituro sa primary school at elementarya.

Ayon sa grupong Tanggol Wika, bilang kasama sa mga orihinal na nagpetisyon sa Korte Suprema at nag-file ng motion for reconsideration , marapat lamang na makatanggap sila ng kopya ng nasabing desisyon, subalit hanggang lumabas ang SC ruling ay wala silang natanggap na anumang notice.

Umapela sila sa SC para palawakin ang pa-nanaw at igalang ang diwa ng Konstitusyon kaugnay ng desisyon nito na labag sa Saligang Batas.

“Ang pagbanggit ng Konstitusyon sa sistema ng edukasyon ay nangangahulugan na ang Filipino at Panitikan ay dapat ituro sa buong Sistema ng edukasyon. Ang mismong salitang sistema ay tumutukoy sa kabuuan ng mga katawan o katawan ng sangkot o nakapaloob dito,” ayon sa grupo.

Anila, nabalewala ang kanilang mosyon at hindi nabigyan ng hustisya ang kanilang mga argumento. “Muli na-ting binibigyang-diin na dapat sana’y nagpatawag sila ng oral arguments, sa halip na maglabas na lamang basta na desisyon batay lamang sa mabilisang pag babasa ng napakaraming dokumento na ating isinumite.”

At dahil may sapat na batayan, nakatakda umano silang mag-file ng pa-ngalawang motion for reconsideration lalo pa’t marami nang pinagbigyang dito ang Korte Suprema sa ibang mga kaso.

Nanawagan din ang grupo Komisyon sa Wikang Filipino na palawakin ang perspektiba at seryosong ikonsidera ang pagbabago sa kanilang paninindigan na ang Fi-lipino bilang wikang panturo, sa halip na ipaglaban para mapanatili ang Filipino at Panitikan bilang mga larangan ng pag-aaral at mga subject.

Umani rin ng sari-sa-ring reaksyon sa Twitter ang isyu kung saan may nagsabi na simula ito ng napipintong cultural genocide o pagpaslang sa kultura, at ang pagkawala ng kaluluwa ng bansa na mag-isip nang malaya na simbolo ng kalayaan at kolektibong kamalaya­n na inilarawan ng ating Pambansang Bayani na si Jose Rizal sa Kabanata 7 ng El Flibusterismo.

Samantala, tiwala si Senador Joel Villanueva na makakapokus na ngayon ang gobyerno sa pagsasaayos ng K-12 program bunsod ng desisyon with finality ang Korte Suprema pabor sa programa.

Ayon kay Villanueva, magandang batas ang K-12 dahil kailangang tiyakin ng pamahalaan na nakakasunod na rin ang bansa sa curriculun ng international community.

“Theoretically it is a good law. We have to make sure our curriculum is in sync with the rest of asean/international community so that Filipinos can practice their profession and become competitive anywhere,” saad ni Villanueva. (Dang S­amson Garcia)