Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kongreso umayuda sa sports

0 58

Inayudahan ng Mababang Kapulungan ang pondo ng bansa sa sports para sa 2022 nang magkaloob ng P650M.

Nabatid ito Miyerkoles kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino, na kinatawan din ng Ikawalong Distrito ng Cavite.

Ayon sa opisyal, idaragdag ang halaga sa P175M na inilaan ng Department of Budget and Management na tutustusin sa pagsali ng mga atleta sa susunod na taong Beijing Winter Olympic Games (Feb.), Asian Games (Sept.) at Asian Youth Games (Dec.) sa China, Asian Indoor and Martial Arts Games (Mar.) sa Thailand, World Games (Jul.) sa USA, at Southeast Asian Games sa Vietnam sa ihahayag pang petsa. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.